Usap-usapang pagtatalaga kay Marcos sa DILG, kinumpirma ni VP Robredo

Kinumpirma ni Vice President Leni Robredo na may usap-usapang maitatalaga si dating Senador Bongbong Marcos bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ani Robredo, nakalulungkot na may usap-usapang makababalik sa gobyerno si Marcos, lalo pa’t hindi pa napananagot ang pamilya nito sa kanilang ginawa.

Nababahala umano siya na mabibigyang muli ng oportunidad ang isa sa Pamilya Marcos para gawin ang nagawa nila noong panahon ng Batas-Militar.

Wala pa namang pahayag ang kampo niMarcos kung totoo nga ang usap-usapang itatalaga ito sa DILG matapos ang isang taong ban sa mga pampublikong opisyal.

Speak Your Mind

*