VIP treatment sa high profile inmates, iimbestigahan

Iimbestigahan ng Malacañang ang napaulat na binibigyan ng special treatment ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang ilang high profile inmates sa loob ng New Bilibid Prisons.

Ang nasabing mga inmates ang tumetestigo para idiin si Senador Leila de Lima sa isyu ng iligal na droga.

Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa iligal na droga, sinabi ni De Lima na malayang nakakagamit ng mga cellphones ang mga high profile inmates sa NBP.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na hindi pinapayagan ng malakanyang ang pagkakaloob ng special treatment sa mga bilanggo ng NBP para lamang idiin ang isang akusado sa isang krimen.

Magugunitang ginamit ni Aguirre ang mga high profile drug lord inmates na sina Herbert Colangco at Jaybee Sebastian laban kay De Lima sa imbestigasyon ng Senado at Kamara.

Speak Your Mind

*