Walang magaganap na laban kontra kay Conor McGregor – Mayweather

Nilinaw ng boksingerong si Floyd Mayweather, Jr. na walang nangyaring kasunduan para makaharap ang martial arts fighter na si Conor McGregor.

Dagdag pa ni Mayweather, Jr., wala rin siyang kanegosasyong sinumang atleta ngayon.

‘Happily retired’ umano siya at nag-e-enjoy sa buhay.

Ilang buwan na ang nakararaan nang palutangin ni Mayweather, Jr. ang posibilidad ng isang superfight kontra kay McGregor.

Nangako naman si Mayweather, Jr. na agad niyang ipaaalam sa lahat sakaling magbalik siyang muli sa boxing ring.

Speak Your Mind

*