Wally Sombero, ‘no show’ uli sa pagdinig ng Senado sa bribery scandal

Hindi pa rin sumipot si Wally Sombero sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y suhulan sa Bureau of Immigration (BI).

Ito na ang ikatlong pagkakataon na bigong makaharap si Sombero para bigyang-linaw ang limampung milyong pisong bribe money para mapalaya ang undocumented Chinese workers na nagtatrabaho sa Chinese gambling tycoon na si Jack Lam.

Ayon kay Attorney Ted Contacto, abugado ni Sombero, nasa Vancouver, Canada pa rin ngayon ang kanyang kliyente.

Sinubukan aniya ni Sombero na makabalik ng bansa pero hindi ito pinayagang makasakay ng eroplano dahil sa kondisyon ng kalusugan nito.

Isinumite rin ng kampo ni Sombero ang mga larawang nagpapakita na binigyan ito ng atensiyong-medikal samantalang nasa paliparan sa Canada.

 Sa ngayon ay may nakabinbing contempt charges sa Senado laban kay Sombero.

Speak Your Mind

*