Walong bayan sa Pangasinan, nananatiling walang sariling fire station at fire truck

Walong (8) bayan pa sa lalawigan ng Pangasinan ang walang sariling fire station at fire truck.

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi ni Arthur Zarate, Provincial Chief Marshall ng BFP-Pangasinan na ito ay mula sa apatnaput walong (48) bayan at lungsod sa lalawigan.

Kabilang aniya sa mga walang fire truck ang mga bayan ng Sto. Tomas, Alcala, Bautista, Basista, San Jacinto, Burgos, Mabini at Urbiztondo.

Ayon kay Zarate, ang kakulangan ng fire truck sa lalawigan ay isa sa nakikita nilang problema sakaling magkaroon ng sunog  sa Pangasinan.

 

Nabatid na mayroon lamang mahigit pitumpong fire truck ang Pangasinan, sampu rito ay pag-aari ng mga LGU’s at ang iba ay pag-aari naman ng mga fire volunteer group.

 

Ang tinig ni Arthur Zarate, Provincial Chief Marshall ng BFP-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*