Waver, hindi inire-rekomenda ng CHED sa pagsasagawa ng school activity

Binigyang diin ng Commission on Higher Education o CHED Regional Office 1 na hindi nila inire-rekomenda sa mga paaralan na magsagawa lang ng waver na pinipirmahan ng mga magulan sa mga school activity.

Sinabi ni Danilo Bose, Supervising Education Program Specialist ng CHED Regional office 1 na mas ipinapayo ng kagawaran ang pagkakaroon ng parent o guardian consent.

Ito ay dahil hindi maiaalis ang responsibilidad ng mga college o university sa kaligtasan ng mga estudyante kung sila ay lalabas sa school campus.

Ayon pa kay Bose, ang pagpapapirma ng parent o guardian consent ay bahagi sa isinasagawang risk assessments sa mga posibilidad na mangyari sa isasagawang aktibidad gaya ng field trip.

 

Magugunitang naglabas ng moratorium ang CHED sa nagpatupad ng temporary ban sa field trips sa matapos masawi sa aksidente ang mga estudyante na dadalo sana sa isang camping activities.

 

 

Speak Your Mind

*