Women About to Give Birth” ng Philhealth para sa mga buntis, tuloy-tuloy

Umaabot sa hanggang 6.93 percent paid increase ang naitalang datos ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth Region 1 para sa taong 2016.

Ito’y ayon kay Josephine Quiton, Health Care Delivery management Division Chief ng Philhealth Region 1 sa ginanap ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Forum.

Sinabi pa ni Quiton na ang naturang paid increase ay pumapalo sa mahigit 5.4 milyong pesos habang umakyat din ang claim receive ng philhealth sa 18.98 percent kumpara sa tala noong 2015.

 

Samantala, tuloy-tuloy naman umano ang programa na “Women About To Give Birth” sa ilalim ng Republic Act 10606 bilang bahagi sa social health insurance coverage and benefits ng Philhealth partikular na sa mga buntis ng miyembro.

 

Ang tinig ni Josephine Quiton, Health Care Delivery Management Division Chief ng Philhealth Region 1

Speak Your Mind

*