2 patay sa stampede sa isang concert sa Argentina

Dalawa ang patay sa stampede sa isang open-air rock concert sa Argentina.

Nangyari ang trahedya nang dumugin ng mga nanood ng concert ang stage matapos ang performance ng Argentinian na si Indio Solari kasama ang kanyang banda.

Makailang ulit namang tumigil sa kanyang performance si Solari at hinimok ang mga security na tulungan ang mga natumbang fans.

Nasa labindalawa katao ang dinala sa ospital.

Speak Your Mind

*