4 na miyembro ng NPA patay sa engkuwentro sa Quezon

Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay sa engkuwentro sa mga sundalo sa Bayan ng San Francisco sa Quezon Province.

Ayon kay First Lieutenant Xyzon Meneses ng Second Infantry Division, nakasagupa ng mga sundalo ng 201st Brigade ang mga rebelde sa Sitio Umagos.

Narekober umano ng mga sundalo ang apat na matataas na kalibre ng baril mula sa mga napaslang na NPA.

Patuloy naman ang pursuit operation ng militar sa mga nakatakas na rebelde.

Speak Your Mind

*