6PM No Swimming Policy, mahigpit na ipapatupad sa Oplan Sumvac ng PDRRMO

Pinaghahandaan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang nalalapit na bakasyon, kayat ikinakasama na ang kanilang Operation Summer Vacation o Sumvac 2017.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Juvin Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng PDRRMO na katuwang nila dito ang ibat-ibang ahensya sa pagbabantay sa mga beach goers na bibisita sa Lingayen Beach.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga beach goers, mahigpit umanong ipapatupad ang “6PM No Swimming Policy” at ang mahigpit na monitoring ng WASAR Team.

Ayon pa kay Solis na sakali naman na may nakataas na Gale Warning o malakas na pag-alon ay mahigpit naipagbabawal sa publiko ang paliligo sa dagat.

 

Sa ngayon, nasa labinwalo ang miyembro ng WASAR Team na nagbabantay sa Lingayen Beach maliban pa sa mga volunters groups na sumailalim sa Basic and Survival Training ng PDRRMO.

Speak Your Mind

*