8 kababaihan pasok sa top 10 ng PMA SALAKNIB Class Of 2017

Walong kababaihan ang pumasok sa top 10 ng Philippine Military Academy (PMA) Sanggalang ay Lakas at Buhay Para sa Kalayaan ng Inang Bayan (SALAKNIB) Class of 2017 mula sa 167 kadeteng miyembro nito.

Itinanghal na valedictorian ng Class SALAKNIB si Cadette Rovi Mairel Valino Martinez na mula Cabanatuan City at ikaapat na babaeng naging valedictorian ng PMA.

Bilang valedictorian, tumanggap si Martinez ng Presidential Saber mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na nanguna sa graduation rites ng PMA.

Kabilang naman sa top 10 sina Philip Modesto Viscaya; Eda Glis Buansi Marapao; Cathleen Jovie Santiano Baybayan; Carlo Emmanuel Manalasan Canlas; Shiela Joy Ramiro Jallorina; Sheila Marie Calonge de Guzman; Joyzy Mencias Funchica; Resie Jezreel Arrocena Hucalla at Catherine Mae Emeterio Gonzales.

Pinayuhan naman ni Martinez ang kapwa graduates na pahalagahan ang motto ng akademya na “Courage, integrity at loyalty.”

Sumang-ayon siya sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag silang magpasilaw sa anumang tukso at manilbihan sila sa bansa nang tapat at totoo.

Speak Your Mind

*