AFP suportado ang muling pagbuhay sa peace talks

Sinusuportahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapatuloy ng peacetalks sa pagitan ng pamahalaan at ngCommunist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, simula’t sapul ay kasama sila sa hakbang ng pamahalaan para makamit ang pangmatagalang kapayapaan.

Gayunman, hinihintay pa aniya ng AFP ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at official communications mula sa government peace panel kaugnay ng unilateral ceasefire.

Hangga’t wala ito ay patuloy pa rin ang lahat ng military operations laban sa NPA.

Napagkasunduan ang muling pagpapatuloy ng peace talks matapos na magsagawa ng back channel talks ang GRP at NDF nitong Marso 10-Marso 11 sa The Netherlands.

Speak Your Mind

*