Alegasyon ng kurapsiyon sa ERC, binusisi sa Kamara

Inimbestigahan ng Kamara ang alegasyon ng kurapsiyon sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa pagdinig ay lumabas na may mga transaksiyon ang ERC na walang pag-apruba ng ilang miyembro ng kanilang Bids and Awards Committee.

Napag-alaman na ang renovation ng boardroom ng ERC ay hindi dumaan sa bidding.

Dahil dito, ginisa si ERC Chairman Jose Vicente Salazar dahil sa hindi umano nito alam ang nasabing renovation.

Ang imbestigasyon ay nag-ugat sa nangyaring pagpapakamatay ni ERC Director Francisco “Jun” Villa.

Speak Your Mind

*