Atletang Dagupenyo, binigyan ng pagkilala dahil sa tagumpay sa R1AA

Binigyan ng pagkilala ang mga atletang dagupenyo na nag-uwi ng karangalan sa katatapos lang na Region 1 Athletic Association (r1aa) Meet sa Ilocos Norte.

Nakapag-uwi ng ika-lawang puwesto ang koponan ng Dagupan City Divison kung saan  nasungkit nila ang 51 gold, 40 silver at 41 broze mula sa 12 koponan na naglaban-laban.

Sinabi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, mula ng siya’y naupong alkade ay best in uniform lamang ang naiuuwi ng Dagupan.

Naniniwala si Mayor Fernandez na kung nagkakaisa at sama-sama ay maraming magagawa at maraming makakamit na pagkilala.

 

Matatandaan na ang Pangasinan II ang nakasungkit ng unang puwesto sa  R1AA na nakapag-uwi ng 58 gold medals, 52 silver medals, at 47 bronze medals.

Speak Your Mind

*