Australia, hindi tutulungan ang Indonesia na magpatrulya sa South China Sea

Hindi tutulong ang Australia sa Indonesia na magpatrulya sa South China Sea.

Ayon kay Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, kahit na makikipagtulungan sila sa Indonesia sa maritime security ay hindi nila ito sasamahan sa pagpapatrulya.

Wala aniya silang balak na makialam sa pagpapatrulya sa South China Sea para maiwasang sumiklab ang tensiyon.

Tugon ito ng Australia sa hiling ni Indonesian President Joko Widodo, na samahan ang mga itong magpatrulya sa pinag-aagawang teritoryo.

Speak Your Mind

*