Bagong DEG ng MPD, isaiilalim sa pagsasanay

Isasalang sa dalawang araw na pagsasanay ang mga miyembro ng bagong anti-drug unit ng Manila Police District (MPD).

Sinabi ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, ang seminar ay pamumunuan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ng Commission on Human Right (CHR),  Office of the City Prosecutor of Manila, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  at ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kabilang sa tatalakayin sa seminar ang pagpapairal ng anti-drugs law at pagsunod sa rules of procedure, human rights at rules of court.

Ayon kay Coronel, dumaan sa masusing screening ang mga miyembro ng MPD-Drug Enforcement Group (DEG) at lahat ng mga ito ay walang mga kasong kriminal o administratibo.

Ang DDEU sa MPD Headquarters ay binubuo ng dalawampung miyembro samantalang labindalawa hanggang labinlima sa bawat drug enforcement teams sa labing-isang sub stations.

Speak Your Mind

*