Bahay Kubo Economic and Ecological Farm, isinusulong sa Pangasinan

Upang tuluyang mawakasan ng problema sa pagsusunog ng kabundukan, dapat umanong ipatupad ang Bahay Kubo Economic and Ecological Farm.

Una nang inihayag ni Hepolito Mislang, isang Advocates ng Organic Agriculture na tungkulin ng lokal na pamahalaan na protektahan at gumawa ng ordinansa para mapangalagaan ang kabundukan.

Partikular na aniya rito ang ginagawa ng mga nag-uuling kung saan sila rin ang nagpuputol ng mga puno sa kabundukan na nagiging dahilan pa ng sunog.

Ayon pa kay Mislang, dapat bigyan ng livelihood project ang mga magsasaka, bigyan ng lupa sa kabundukan, turuan sa pagtatanim para sila mismo ang mangalaga sa kanilang produkto.

 

Bukod aniya sa maiiwasan ang mga sunog sa kabundukan, pasasawata narin ang kaso ng ilegal logging.

Speak Your Mind

*