BFAR, aminadong malaki na ang problema ng mga kailugan sa Pangasinan

Aminado ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Pangasinan na posibleng magkaproblema ang mga kailugan sa lalawigan lalo na sa pagpasok na tag-araw.

Ito ayon sa Glicerio Legaspi, Provincial Fishery Officer ng BFAR-Pangasinan Fishery Office ay dahil sa pagkakaroon ng siltation sa mga kailugan na sakop ng Dagupan, Binmaley, Lingayen at mga karatig bayan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Legaspi na nahihirapang pumasok ang tubig sa mga palaisdaan dahil sa pagbabaw ng kailugan dala ng mga basura at soil erosion.

Iginiit ng BFAR na ang dahilan ng pagbabaw ng kailugan sa pangasinan ay dahil din sa kagagawan ng tao.

 

Dagdag pa ni Legaspi na upang masulusyunan ang naturang usapin ay dapat magkaroon ng reforestation, pagtatanim ng puno sa mga water shed, lagyan ng water wall ang mga kailugan upang maiwasan ang soil erosion at pagsasagawa ng dredging operation sa mga kailugan.

Speak Your Mind

*