BFAR, magtuturo narin sa paggawa ng mga de kalidad na klase ng tinapa

Magandang balita para sa mga negosyante na nasa fishery industry dahil nakatakang buksan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Dagupan ang paggawa ng tinapa.

Ito ang inihayag ni Dr. Westly Rosario, Center Chief ng BFAR – National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi pa ni Rosario na sa lahat ng gustong sumailalim sa training ay maaari lamang makapag-ugnayan sa tanggapan ng bfar na matatagpuan sa Bonuan Biloc, lungsod ng Dagupan.

Inaasahan naman na sa bagong proyekto ng BFAR ay mapag-produce ng de kalidad na klase ng tinapa sa Dagupan at lalawigan ng Pangasinan.

 

Ang tining ni Dr. Westly Rosario, Center Chief ng BFAR – National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*