Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, tumaas sa buwan ng Enero

Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa kahit pa bumaba ang bilang ng mga under-employed.

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 6.6 percent ang unemployment rate nitong Enero 2017 kumpara sa 5.7 percent noong Enero 2016.

Bumaba naman ng 16.3 percent ang underemployment rate kumpara sa 19.6 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, dahil ang sektor ng agrikultura ang pangalawa sa may pinakamalaking bilang ng manggagawa sa bansa, malaking bilang ng mga ito ang nawalan ng trabaho dahil sa mga nagdaang kalamidad.

Speak Your Mind

*