Bilang ng nahuhuling mga pasaway na motorista, tumataas – LTO-Dagupan

Kinumpirma ng Land Transportation Office o LTO Dagupan na dumarami ang mga motoristang nahuhuli sa kanilang isinasagawang “oplan sita” o check point.

Ito ayon kay Dagupan City LTO Chief Richard Agbayani ay dahil sa hindi pagsunod ng mga motorista sa batas trapiko gaya ng walang rehisto ang sasakyan, walang lisensya at mga depektibong sasakayan.

Nangungunang dahilan din umano sa pagkakahuli ng mga motorista ang hindi pagsusuot ng helmet.

 

Dahil dito, nagbabala ang LTO sa mga pasaway na driver na ibayong pagbabantay ang kanilang gagawin lalot mayroon nang bagong impounding area ang LTO na matatagpuan sa bayan ng  Bugallon.

Speak Your Mind

*