BJMP-Dagupan, masungkit ang pagkilala bilang SPB Seal Award

Nakuha ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Dagupan City ang pinaka-mataas na pagkilala sa buong bilang kauna-unahang “Sustinidong Paglilinis ng Bilangguan” o SPB seal.

Ang SPB ay isa sa pilot program ng “OPLAN RODY” na may adhikain na removal of scalawags, offensive drugs operation, disbandment of gangs, at yes to discipline.

Ayon kay J/Dir. Serafin Barretto, Chief BJMP na nakamit ng BJMP-Dagupan ang SPB Seal Award dahil sa maayos na pamamahala sa mga BJMP personnel at mga preso.

Bukod pa sa napanatili nitong malinis ang kulungan sa illegal na droga at mga uri ng bisyo gaya ng sigarilyo.

Mula sa apatnaraan animnapu’t anim na mga kulungan sa buong bansa at labinlimang BJMP Facility na nominado, nasungkit ng bjmp-dagupan ang kauna-unahang SPB Seal Award kung saan tumanggap ito ng P100,000 na magagamit sa pagsasaayos ng ibang pasilidad o proyekto.

Speak Your Mind

*