BPO sector, pinaka-indemand na trabaho ngayon ayon sa TESDA-Pangasinan

Isa sa in-demand na skill training ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang nasa Business Process Outsourcing (BPO) dahil sa maraming trabahong naghihintay rito.

Ayon kay Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Provincial Director Engr. Manuel Wong, maraming employment opportunity ang nasa BPO Sector gaya ng animation, visual graphic design, medical transcriptionist, at ang mga call center agent.

Nilinaw naman ni Wong na hindi parin naman nawawala ang kursong ibinibigay ng TESDA tulad ng heavy equipment operator, nasa tourism sector gaya ng cookery, food and beverages services, housekeeping, bread and pastry production.

Samantala, pinag-aaralan narin aniya na ibalik ang caregiver services ng TESDA dahil sa nakikita ritong bagong employment opportunity.

 

Sa ngayon, umaabot na sa isandaan dalawampu (120) ang school with registered program ng TESDA sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*