BSP, pinaalalahanan ang publiko sa mga kumakalat ng pekeng pera sa bansa

Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang taumbayan sa umanoy mga pekeng pera na kumakalat ngayon sa bansa.

Ito’y matapos ang pagkaka-aresto sa mga government agent na mga sangkot sa paggawa at paggamit ng mga pekeng pera na parehong-pareho ng tunay na peso bills.

Ayon kay BSP Currency Integrity Staff Deputy Director Maja Gratia Malic, dpat naging vigilante ang publiko upang hindi mabiktima ng mga pekeng pera.

Mahalaga aniya na busisiin ang pagkakaiba ng peke sa tunay na pera, kabilang na ang palatandaan gaya ng watermark, serial number at security threads.

Speak Your Mind

*