BUB Project ng DILG, pinalitan na ng Assistance to Disadvantaged Municipalities

Pinalitan na ang dating ipinapatupad na Bottom-Up Budgeting o BUB Project ng dating administrasyong Aquino.

Ito ang nilinaw ni Shiela Marie Andales, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government o DILG-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Andales, ang BUB Project sa ilalim ng Duterte adminstration ay pinalitan ng Assistance to Disadvantaged Municipalities (ADM).

Hindi pa naman idinitalye ng DILG ang buong proseso ng ADM Program ngunit ito aniya ay nakasentro sa mga munisipalidad na nakapagtala ng mas maraming mahihirap na residente.

 

Ang tinig ni Shiela Marie Andales, Provincial Director ng DILG-Pangasinan sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*