Buntis congress ng PHO, nakasentro sa tamang pag-aalaga ng ina sa kanyang sarili

“Anak Ko, Buhay Ko, Mahal Ko”, dito nakasentro ang tema sa isasagawang buntis congress ng Provincial Health Office (PHO) kasabay ng obserbasyon ng National Women’s Day.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dahlia Dumantay, Health Education Promotion Officer ng PHO na importante sa isang babae na pangalagaan ang sarili lalo kung buntis.

Obligasyon aniya ng isang ina na pangalaan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng tamang nutrisyon para sa buhay ng kanyang anak.

 

Ilan naman sa mga serbisyong ibinigay ng PHO sa isasagawang buntis congress ang ultrasound para sa highrisk na buntis, pre-natal check-up, laboratory tests, dental check-up, beauty care services gaya ng foot spa.

Kabilang din dito ang ibibigay nilang livelihood training para sa mga buntis, at mga kaalaman hinggil sa Philhealth enrollment advocacy.

Speak Your Mind

*