CBCP, patuloy ang pagdarasal para hindi na maibalik ang parusang kamatayan

Kinondena ng Simbahang Katoliko ang Death Penalty Bill matapos itong pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

Sa pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pangunguna ni Archbishop Socrates Villegas, maaaring nanalo ang mga bumoto nang pabor sa parusang kamatayan pero hindi aniya nangangahulugan na ang mga ito ay tama.

Nanawagan din sila sa mga mananampalataya na manindigang piliin ang buhay at patuloy na huwag suportahan ang death penalty.

Aniya, patuloy rin ang kanilang pagdarasal na maliwanagan ang mga mambabatas sa kanilang pagpabor sa panukalang muling pagbuhay sa parusang bitay.

Speak Your Mind

*