Cesar Montano inireklamo ng mga kawani ng TPB

Inireklamo ng mga kawani ng Tourism Promotions Board (TPB) ang kanilang chief operating officer na si Cesar Montano.

Inihain ng mga kawani ang letter of complaint sa Presidential Action Center na naglalaman ng dalawampu’t apat na ginawa umanong mali at katiwalian ni Montano.

Kabilang sa mga ito ang pagpasok umano ni Montano sa multi-million pesos na halaga ng mga kuwestiyonableng kontrata.

Kumuha rin umano si Montano ng sariling mga empleyado na ang mga posisyon ay kaparehas lamang sa mga kasalukuyang kawani ng tanggapan.

Si Montano ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 2016 bilang COO ng TPB sa ilalim ng Department of Tourism (DOT).

Tahimik pa si Montano tungkol sa nasabing alegasyon.

Speak Your Mind

*