Chicago Bulls nalasap ang ika-5 pagkatalo sa NBA

Pinalasap ng Boston Celtics ang Chicago Bulls ng kanilang season-high na limang sunud-sunod na talo.

Tinapos ng Celtics ang laro kontra-Bulls sa iskor na 100-80.

Nagposte naman ng dalawampu’t dalawang puntos si Isaiah Thomas para sa Celtics.

Nakuha rin ni Thomas ang kanyang ikadalawandaang three-point shot at naging ikatlo sa Celtics na nakaabot sa nasabing puntos.

Tiglabintatlong puntos naman ang iniambag nina Robin Lopez at Denzel Valentine para sa Bulls.

Makahaharap ng Celtics ang Minnesota Timberwolves sa Huwebes samantalang bukas naman ay makahaharap ng Bulls ang Charlotte Hornets.

Speak Your Mind

*