CHO-Dagupan, nagbabala sa mga sakit na nakukuha ngayong tag-init

Nagbabala ang City Health Office ng Dagupan sa publiko sa mga sakit sa balat na maaaring makuha ngayong panahon ng tag-init gaya ng bulutong at tigdas.

Batay sa tala ng CHO, umabot na sa dalawampong kaso ng bulutong  o chicken fox ang naitalang simula buwan ng enero hanggang marso ngayong taon.

Ayon kay Dr. Wendy Bernardo, tagapagsalita ng CHO na ang bulutong ay isang airborn deseases kayat madali at mabilis makahawa sa pamamagitan ng personal contact sa taong merong sakit.

Hindi rin umano garantiya na nagkaroon na ng tigdas ay hindi na mahahawa dahil kung mahina ang resistensya ay malaki ang posibilidad na muling magkaroon ng naturang sakit.

Ilan naman sa palatandaan na merong sakit na bulutong ay kung namumula-mula, nangangati at nagtutubig-tubig ang mga pantal sa balat.

Speak Your Mind

*