CIDG, lead agency na sa pagtututok sa kaso ng mga illegal recruitment

Tututukan ngayon ng Criminal Investigation and Setection Group o CIDG ang mga kaso ng mga illegal recruitment alinsunod sa mandato ni Duterte administrasyon.

Ayon kay CIDG Police Director Roel Barcena Obusan, lead agency ngayon ng CIDG sa pagtungis sa mga illegal recruiter na nambibiktima ng mga kababayan natin na nagnanais ng mas mabilis na makaalis patungong ibang bansa.

Dagdag pa ni Director Obusan, upang hindi maloko ng mga illegal recruiter ay laging sumangguni sa POEA upang matiyak kung totoo o peke ang recruitment agency na nag-aalok ng trabaho.

Apela din ng CIDG sa publiko na kung may malalaman o namomonitor na aktibidad ng mga illegal recruitment sa kanilang lugar ay agad itong isangguni sa kanilang tanggapan upang tuluyan ng mawakasan ng ganitong gawain.

Nabatid na buwan ng Pebrero ngayong taon ay nakapagtala na ang ahensya ng pitong large scale recruiters na kanilang nasakote.

Speak Your Mind

*