Comelec, nanindigan na tuloy ang paghahanda para sa Barangay at SK Election sa Oktobre

Nanindigan ang Commission on Election (Comelec) na kung ano ang umiiral na batas ay yun ang kanilang ipatutupad.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Comelec Provincial Director Atty. Marino Salas, na malinaw na nakasaad sa kasalukuyang batas na mayroong magaganap na SK at Barangay Election sa darating na Octobre a-23.

Dahil dito, tuloy-tuloy ang ginagawang panghahanda ng Comelec alinsunod sa kanilang Calendar of Activity na nakalagay sa mandato ng batas.

 

Tiniyak naman ni Salas na handa namang sumunod ang Comelec sakaling matuloy ang plano ni pangulong Duterte na magtalaga na lamang ng mga opisyal ng barangay sa halip na magdaos ng eleksyon.

Sa ngayon nakatututok ang Comelec na nalalapit ng deadline ng voters registration sa Abril a-29 ngayong taon.

Speak Your Mind

*