Confirmation hearing ni Lopez, sinabayan ng kilos-protesta

Sinabayan ng kilos-protesta ang confirmation hearing ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Bitbit ng mga pro-mining group ang placards na nagsasabing nakatutulong naman ang pagmimina partikular sa kanilang pamumuhay.

Si Lopez, na kilalang anti-mining advocate ay humarap sa Commission on Appointments (CA) ngayong araw sa kabila ng hirit na itakda na lamang ang pagdinig sa Mayo a-tres.

Binabatikos kay Lopez ang mga suspension order nito kontra sa mga minahan dahil sa aniya’y pinsalang dulot nito sa kalikasan.

Speak Your Mind

*