Cong. Bataoil, aminadong hindi umusad sa Kongreso ang isinusulong na re-districting sa Pangasinan

Inamin ni Pangasinan 2nd District Congressman Leopoldo Bataoil na hindi umusad ang isinusulong niyang Re-Districting sa Pangasinan sa nakalipas na 16th Congress.

Ito ang inihayag ni Cong Bataoil sa panayam ng Sonshine Radio ay dahil sa walang kapwa niya kongresista sa Pangasinan ang sumuporta sa nasabing panukala.

Nabatid na nakapaloob sa isinusulong na Re-Districting sa Sangguniang Panglalawigan (SP) na madagdagan ng dalawang distrito ang kasalukuyang anim na distrito ng Pangasinan.

Umaasa naman si Cong. Bataoil na ngayong 17th Congress na muling uusad ang re-districting ngunit ito aniya ay mangyayari kung mag-kakaisa ang lahat ng mambabatas mula sa Pangasinan.

 

Dagdag pa ng mambabatas na kung may isang oposisyon sa naturang panukalang batas ay hindi ito uusad sa Kongreso.

Speak Your Mind

*