Cong. Edcel Lagman, naniniwalang premature ang pag-apruba sa Death Penalty Bill ng Kamara

Naniniwala si Albay Representative Edcel Lagman na ‘premature’ ang pagpasa sa panukalang muling pagbuhay sa parusang kamatayan.

Sa pagsisimula pa lang ng botohan ay agad na nagmosyon si Lagman na huwag munang ituloy ang botohan dahil sa umano’y premature pa ito.

Paliwanag ng kongresista, hindi sinunod ng liderato ng Kamara ang three-day notice rule na nakasaad sa ilalim ng Section 26 (2) ng Article VI ng Saligang-Batas.

Giit ni Lagman na hindi rin sumusunod sa probisyon ng Konstitusyon ang pamamahagi ng kopya sa mga staff lamang ng mga kongresista.

Pero bigo si Lagman na harangin ang botohan, sa halip ay itinuloy na lamang ito ni Ilocos Representative Erick Singson.

Speak Your Mind

*