Dagupan City PNP, pabor sa paggamit ng camera sa lahat ng mga police operation

Pabor ang Philippine National Police o PNP Dagupan sa paggamit ng camera o pagkuha ng video sa lahat ng police operation kaugnay sa ikalawang bugso ng oplan tokhang reloaded.

Ayon kay P/Supt. Niel Miro, hepe ng Dagupan City PNP, makakatulong sa pulisya ang pagkakaroon ng video dahil magkakaroon sila ng ebidensya sakaling akusahan sila na gumagawa ng kalukuhan.

Sa pamamagitan aniya ng video ay mailalabas ang tunay na dokumentaryo ng tunay na pangyayari at para makita ng taumbayan na ginagawa nya ang tungkol bilang alagad na batas ng walang halong anumalya.

Ganunpaman, ayon sa Pangasinan Police Provincial Office o PPPO kinakailangan pa ng mga karagdangang kagamitan para sa body camera dahil isa kada istasyon lamang meron nito.

Speak Your Mind

*