Dating DBM Secretary Abad, pinakakasuhan ng Ombudsman

Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad.

Ito ay matapos makitaan ng probable cause ang kasong kinasangkutan ni Abad kaugnay ng 72-million pesos disbursement acceleration program (DAP).

Base sa resolusyong nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagkaroon ng usurpation of legislative power ang tanggapan ni Abad nang ipatupad ang DAP na hindi dumaan sa budget process ng Kongreso.

Tinukoy rin ng anti-graft body na guilty si Abad sa simple misconduct at dapat itong patawan ng tatlong buwang suspensiyon.

Pero dahil wala na sa tungkulin ang dating kalihim, iko-convert na lang ang parusa sa multang katumbas ng tatlong buwan nitong sahod.

Kaugnay nito, nirerespeto umano ni dating Budget Secretary Butch Abad ang desisyon ng Ombudsman na kasuhan siya ng usurpation of legislative power kaugnay ng 72-million pesos DAP.

Welcome rin ani Abad, na inalis ng Ombudsman ang kasong graft at technical malversation laban sa kanya.

Sinabi rin ng dating opisyal na ang desisyon ng Ombudsman ay nagpapatunay na hindi siya nakinabang sa pagpapatupad ng DAP.

Speak Your Mind

*