Dating Maguindanao Congressman Simeon Datumanong, pumanaw na

Pumanaw na si Dating Maguindanao Congressman Simeon Datumanong kagabi.

Si Datumanong ay namatay sa edad na 81 dahil sa kidney failure.

Pumanaw si Datumanong sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

Base sa tradisyong Muslim, ngayong araw ay ililibing na rin si Datumanong sa kanyang probinsiya sa Magonoy, Maguindanao.

Si Datumanong ay nagsilbing Department of Justice (DOJ) secretary noong Enero 2003 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Limang termino ring nagsilbi si Datumanong bilang kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Maguindanao.

Speak Your Mind

*