Death Penalty Bill, aprubado na sa 3rd and final reading ng Kamara

Aprubado na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4727 o Death Penalty Bill.

Idinaan ang naturang botohan sa pamamagitan ng nominal voting, kung saan ay 217 ang bumoto ng ‘yes,’ 54 ang ‘no’ at isa naman ang ‘nag-abstain.’

Kabilang sa mga tumutol sa panukala sina Representatives Edcel Lagman, Teddy Baguilat, Lito Atienza, Tom Villarin, Gary Alejano, Raul Daza at ang buong Makabayan Bloc at ilan pang mga kongresistang may hawak na posisyon sa Kapulungan.

Kumontra rin ang ilang House leaders sa Death Penalty Bill na   sina, Carlos Zarate ng Bayan Muna, Gabriela Party-list Rep. Emmi de Jesus, dating pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

Sa inaprubahang bersiyon ng Kamara, ipapataw lamang ang parusang kamatayan sa drug-related cases.

Like
 
 

Speak Your Mind

*