Decorp, nakatakdang magpatupad ng dagdag singil ng kuryente ngayong summer

Nakatakdang magpatupad ng pagtaas sa singil ng kuryente ang Dagupan Electric Corporation o Decorp ngayon papalapit na summer season.

Ayon kay Atty. Randy Castilan, legal aid at spokesperson ng Decorp na ang nakatakdang paggalaw sa singil sa kuryente ay dahil sa epekto din umano ito ng Malampaya Power Plant shut down at ng pagtaas ng palitan ng piso at dolyar.

Tinatayang nasa walumpong sentimo ang dagdag sa generation rate ibig sabihin kapag kumokonsumo ng 100 kilowatts per hour ang isang konsyumer nasa walumpong piso ang dagdag singil sa generation rate simula ngayong buwan na ito.

Tiniyak naman ng Decorp na inaasahan naman na bababa ang singil ng kuryente sa pagpasok ng tag-ulan dahil sa mas mababa nang demand sa kuryente.

Speak Your Mind

*