DepEd Region 1, muling ipanaalala ang “no collection policy” sa graduation rites

Muling ipina-alala ng Department of Education o DepEd Region 1 na mahigpit na ipinapatupad ang “no collection policy” sa graduation rites ng mga estudyante.

Kaugnay ito sa nakatakdang pagtatapos ng mga grade 6 student sa darating ng Abril a-syete habang wala namang magaganap na graduation sa high school dahil sa umiiral ng k +12 program.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1, na may nakalaan ng pondo mula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang graduation ng mga paaralan.

Ngunit pinapayagan naman aniya ang Parents-Teachers Associations (PTA) sakaling magkaroon ng kasunduan ang mga magulang para sa gastos sa graduation ng kanilang mga anak.

 

Ang tinig ni Darius Nieto, Project Development Officer IV ng DepEd-Region 1, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*