DFA nilinaw na pinag-aaralang mabuti ang renewal ng pasaporte ni Yasay

Pinag-aaralan lamang nang mabuti ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang renewal ng Philippine passport ni dating Secretary Perfecto Yasay, Jr.

Tugon ito ni DFA Assistant Secretary Charles Jose sa ulat na sinuspindi ni acting DFA Secretary Enrique Manalo ang pasaporte ng dating kalihim.

Magugunitang ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang appointment ni Yasay dahil sa isyu ng citizenship.

Kinumpirma naman ni Yasay na nag-apply siya para sa renewal ng kanyang pasaporte pero hindi niya aniya alam kung sinuspindi ito ng DFA.

Wala naman aniyang ibang naiisip na dahilan si Yasay para suspindihin ang kanyang pasaporte kundi tanging ang paniniwala lamang ng CA na hindi siya Pilipino.

Iginiit ni Yasay na hindi legally binding ang naging ruling ng CA sa kanyang citizenship at tanging ang korte lamang ang maaaring pumigil sa  renewal ng kanyang pasaporte.

Speak Your Mind

*