DI ng kapatid ni Pangulong Duterte, hindi totoong pinatay ng DDS

Lumutang sa social media si Ruben Baguio, ang dance instructor (DI) ni Jocelyn, na kapatid ni Pangulong Rodrigo Duterte, na sinasabing pinatay umano ng Davao Death Squad (DDS).

Sa Facebook post, sinabi ni Baguio na buhay na buhay siya at nagtatrabaho nang marangal.

Hindi rin aniya niya maisip na madadamay siya sa isyu.

Sa Senate hearing, sinabi ni dating SPO3 Lascañas na pinatay niya ang hindi pinangalanang DI sa utos ni Duterte.

Kinumpirma naman ni Jocelyn na si Baguio lamang ang kanyang DI simula taong 2010.

Speak Your Mind

*