DOLE Central Pangasinan, hinikayat ang mga mag-aaral na kumuha ng Agri-Courses

In-demand ngayon para sa mga mag-aaral ang agri-courses dahil mas mabilis makapasok sa labor market at mabilis na makahanap ng trabaho.

Dahil dito, ipinapayo ng Department of Labor and Employment (DOLE) Central Pangasinan sa lahat ng mga high school student na magtatapos ngayong taon na pumili ng mga kursong may kinalaman sa agrikultura.

Ayon kay Panfilo Dioquino, Labor Communication Officer ng DOLE Central Pangasinan, mas madali na magkaroon ng trabaho ang mga tapos ng kursong agrikultura dahil kakaunti pa lamang ang kakumpetensya sa larangang ito.

Nilinaw ni Dioquino na hindi porke’t tapos ng agrikultura ay otomatikong magiging magsasaka, bagkus ay maaaring maging agribusinessmen o farm technician.

Nabatid na bukod sa agri-courses, in-demand rin ang mga kurso gaya ng accountancy, engineering, at mga kursong may kinalaman sa science at math.

Speak Your Mind

*