DTI, ipinaalala sa mga negosyante ang ipinapatupad na pagbibigay ng tamang sukli

Ipinaalala ng Department of Trade and Industry o DTI-Pangasinan na mahigpit na ipinapatupad ang Republic Act No. 10909 o mas kailala sa “no shortchanging act of 2016”.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Danzen Imus, Trade Industrial Development Specialist ng DTI na ito ay isang batas sa pagbibigay ng tamang sukli sa mga contumers.

Lahat aniya ng negosyo ay sakop na naturang batas, hindi lang aniya mga nakarehisto na mga lihitemong nagtitinda kundi maging ang mga unregistred business ay maaring ireklamo sa DTI.

Partikular na aniya sa ipinagbabawa ang nakaugalian ng mga negosyante na pagbibigay ng candy bilang sukli.

Sinabi pa ni Imus na ang sinumang maharap sa reklamo at napatunayang lumabag sa no shortchanging act ay maaaring patawan ng multa.

 

Ang tinig ni Danzen Imus, Trade Industrial Development Specialist ng DTI.

Speak Your Mind

*