DTI, target pang makapagtayo ng anim na Negosyo Center sa Pangasinan

Anim na Negosyo Center pa ang target na itayo ng Department of Trade and Industry o dti sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon.

Ito ay kahit nakapagtatag ng ang DTI ng pitong Negosyo Center sa Pangasinan na matatagpuan sa bayan ng Rosales, Lingayen, Mangaldan, Bayambang at lungsod ng Alaminos at Dagupan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, inihayag ni Jun Reyes, Senior Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan na layun ng pagtatayo ng Negosyo Center na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa publiko.

Dagdag pa ni Reyes na kabilang sa serbisyong laan ng DTI sa mga negosyante ang mas pinadaling pagproseso ng business name registration at business councelor.

 

Ang tinig ni Jun Reyes, Senior Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*