Duterte ‘nag-sorry’ sa Mighty Corp matapos kasuhan ng BIR sa DOJ

‘Nag-sorry’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Mighty Corporation matapos sampahan ng Bureau of Internal Revenue ng 9.5 billion pesos tax evasion case sa Department of Justice.

Ito ay kaugnay ng paggamit umano ng Mighty ng pekeng tax stamps.

Sinabi ni Pangulong Duterte, na kung siya lang ang masusunod ay magpapaareglo na lamang siya sa nasabing kumpanya ng sigarilyo ng P3 bilyon.

Pero ayon kay Duterte, nangibabaw ang kanyang Cabinet secretary na tutol sa areglo.

Nabatid na ilang retiradong heneral ang nasa Mighty gaya ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Edilberto Adan na presidente ng kumpanya.

Speak Your Mind

*