Duterte sisiguraduhing matatapos ang terorismo kapag nagdeklara ng Martial Law

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga terorista at drug addicts sa Mindanao na huwag siyang piliting magdeklara ng Martial Law.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa anibersaryo ng PDP-LABAN kagabi.

Ayon kay Duterte, kapag nagdeklara siya ng Martial Law ay sisiguraduhin niyang matatapos na ang terorismo.

Ang naturang banta, anang pangulo ay hindi lamang para sa mga Moro kundi sa lahat.

Una nang sinabi ni Duterte na pinag-iisipan niyang magdeklara ng Martial Law sa Mindanao dahil sa mga ulat ng karahasan.

Umapela rin ang pangulo sa mga lokal na opisyal sa Mindanao na tulungan siya na magkaroon ng kapayapaan, kundi ay magdedeklara siya ng Martial Law sa rehiyon.

Speak Your Mind

*