Ex-Mayor Echiverri, 2 iba pa kinasuhan ng graft

Sinampahan ng Sandiganbayan ng dalawang bilang ng kasong graft si dating Caloocan Mayor Enrico Echiverri at dalawang iba pa.

Nag-ugat ang kaso laban kay Echiverri sa pag-a-award ng dalawang drainage projects na nagkakahalaga nang halos limang milyong piso nang walang awtorisasyon mula sa City Council.

Bukod kay Echiverri, nahaharap din sa kasong graft at dalawang bilang ng falsification sina Caloocan City Accountant Edna Centeno at City Budget Officer Jesusa Garcia.

Ang contractors na nabigyan ng kontrata noong 2011 para sa drainage project ay ang EV & E Construction at Golden 3T Construction.

Speak Your Mind

*