Federalismo muling ikinampanya ni Duterte

Mariing ikinampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng porma ng gobyerno tungong federalismo.

Sa kanyang talumpati sa 35th anniversary ng PDP-LABAN kagabi, binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan ng federal form of government para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Malaki aniya ang maitutulong nito, lalo na sa Mindanao.

Sinabi rin ng pangulo na handa siyang bumaba sa puwesto kapag naging federalismo na ang sistema ng gobyerno sa bansa.

Speak Your Mind

*